Gusto Mo Ba?

MARAMI tayong gusto sa buhay…

Gusto nating yumaman--- magkaroon ng malaki at magandang bahay, magarang sasakyan at maraming-maraming pera… 

Gusto nating makapagtapos ng pag-aaral at matupad ang mga pangarap--- maging doctor, engineer, abogado, guro--- ang iba’y maging sikat na artista atbp...

Mangangaral 12:13-14 

“Sa kabila ng lahat ng ito, isa lamang ang aking masasabi: Matakot ka sa Diyos at sundin mo ang kanyang mga utos sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao. Lahat ng gawin natin, hayag man o lihim, mabuti o masama ay ipagsusulit natin sa Diyos.”

Sinabi ni JESUS sa Mateo 7:21 

"Hindi lahat ng tumatawag sa akin, 'Panginoon, Panginoon,' ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga tao lamang na sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit.

Ang iba’y simple lang ang gusto, makakain ng tatlong beses sa isang araw, magkakasama ang buong pamilya kahit sa bahay-kubo lang nakatira at maging masaya…

"Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa inyong iinumin upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.”

Mateo 6: 25,32-33

Hindi naman masama ang lahat ng ito…

Katunayan, nais nga ng DIYOS na maranasan natin ang lahat ng ito. Ngunit Meron pang mas mahalaga kesa sa mga ito…

Nais ng DIYOS na lahat ng tao ay maligtas at makasama Niya sa langit.

Ang tanong, gusto mo ba?



Post a Comment

0 Comments